“Titig

Naalala ko pa nung unang araw na tinitigan kita.

Naalala ko pa ang hitsura ng yung mukha.

dimo alam kung sumimangot o pagbigyan ang sarili mong matawa.

hanggang sa tuluyang nag paanod ka sa aking mga titig.

di inalintana ang mga tao sa paligid

tela ba sinimulan natin lakbayin pareho ang mundo ng pag ibig.

OO! ang sarap damhin ng mga oras na yun,

yung para bang ako lang ang lalaki na nakikita mo.

at ikaw lang ang nag iisang babae na gumagalaw sa mundo ko.

Tinitigan kita, mula ulo hanggang paa

at pinagmasdan mo ako gamit ang kaakit akit mong mga mata.

naging mapagsamantala ako sa mga oras na yun.

mapagsamantala dahil nagpadala ako sa kapangyarihan ng tinatawag nila na pag ibig sa unang tingin.

diko alam kung anong naramdaman ko sa mga sandaling yun, na tela ba ang buong pagkatao ko ay iyo nang inangkin.

hinubaran at inalis ang takot at pangamba ko, galing pa sa masalimout kong nakaraan.

at sa isang iglap lang, ako’y iyong binihisan. Binihisan at pinalitan ng mga bagong ala ala, na tanging ang mga mata lang natin ang nakakaalam.

Hindi ko mamalilimutan ang hiwaga na dala ng yung mga titig.

Na para bang hinayaan mo ang sarili mong kalungin ka ng aking mga bisig.

pero mas hindi ko makakalimutan, kung pano pinutol ng isang lalaki ang ating mala tele novela na eksena.

Hinawakan nya ang kamay mo, sabay sabing ” BABY TAYO NA”

Bigla kong ibinalik ang sarili ko sa realidad

ang katotohanang, walang ikaw at ako.

dahil pag mamay ari pala ng iba ang puso mo.

Pasensya na, dahil nagpadala ako sa mga titig mo.

Pasensya na, kung sa napaikling panahon, bumuo ako ng isang paraiso.

at pasensya na, dahil di kita magawang ipaglaban dahil wala akong karapatan sayo.

at pasensya na, dahil hanggang dito lang talaga tayo.

Advertisements

2 thoughts on ““Titig

  1. Hi there please tell Maria i am sending her mail. Wanna check if she still have the same address…i am sending my pasalubong. This time she has to share it with you..lol

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s