“Para sa babaeng Mahal ko na pero ayaw ko pa”

Naniniwala pa naman ako sa aswang na kahit puro lang kwento ang naririnig ko.
Kamakailan lang naniniwala ako sa blue moon o ano mang hiwaga ang nangyayari sa buwan at itoy aking inabangan. 

Inakyat ko ang kabundukan sa paniniwalang makakamove on ako kahit di ako sigurado.

Marami akong mga bagay na pinaniniwalaan kahit di ko alam kung ito’y totoo.

Nung naglalakad ako at nakakita ng magkasintahan, buo rin ang paniniwala kong darating ang araw na sila’y maghihiwalay.

Oo! Napakaraming bagay ang pinaniniwalaan ko. Isa na rito ang biglaang pagdating mo sa buhay ko.

Naniniwala akong may taglay kang kapangyarihan para paibigin ako, at naniniwala rin ako na tulad ng isang bola ay kaya mo ring biglang maglaho.

Kaya! kahit may nararamdaman na ako sayo ngayon ay di ko kayang isugal itong puso ko.

Oo mahal! Dina ako naniniwala sa sugal. Dina ako tumataya sa lotto o ano mang laro na pwedi kang matalo at pweding kang manalo na dika sigurado.

Mas titiisin ko nalang ang lamig ng umaga ang dilim ng gabi na wala ka saking tabi .

Sasalubungin ko nalang ang araw ng mga puso na mag isa, kaysa naman balang araw maranasan ko ulit ang mag isa.

Pasensya na, pero idaan ko nalang sa sulat ang mga linyang pwedi ko sabihin ng direkta o pwedi ko naman iparamdam sayo na “MAHAL KITA” mahal na kita.

di ako mysteryosong tao, di rin ako mahilig mag tago pero sa panahong to pasensya na dahil diko pa kayang maniwala ulit sa mga pangako at mga linyang binitiwan ng bibig para lang paniwalain ka na may tunay na pag ibig.

Advertisements

19 thoughts on ““Para sa babaeng Mahal ko na pero ayaw ko pa”

    1. Again, talaga bang “mahal ko na pero ayoko pa” o “mahal ko na pero waley”? Magkaiba kasi yun. More of preventing the rejection. Kumbaga inunahan na. Hahaha. Parang usapang “effort” at “neutral” lang yan. πŸ™ƒ

      Liked by 4 people

      1. Ahhahaha ayaw kong mag effort para di ako ma attach at ayaw kong ma attach kaya di ako nag effort 😊😊😊
        Basta ayaw ko muna ngayon kaya pinangungunahan ko halos lahat ng bagay, inisip ko yung mga pweding mangyari😊😊😊

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s