“Ang hirap maging kaibigan lang, pero”

Magkasama na naman tayo
Lumuluha na naman yang mga mata mo 
Ikaw kasi isinugal mo na naman yang puso mo                                                                  
Para sa taong di man lang kayang pahalagahan ang isang tulad mo 

Ito lang naman ako
Handang pahiran ang mga luha mo 
Wagkang mag alala panalo ka naman dito sa puso ko                                                     
At pangako papahalagahan ko ng sobra ang isang katulad mo”


Yan ang aking bulong sa tuwing tayo’y magkasama                                                

Halos gabi gabi nalang pagkatapos ng away nyong dalawa

Ako ang yung sandigan, sa tuwing kayoy di nag kaintindihan                                      

Palagi nalang basa ang aking sout , pagkatapos mo akong yakapin habang pinapalabas ang yong nararamdaman.

Halos gabi gabi nalang ganito ang ating eksena                                                          

Diko na ata matandaan kung kailan tayo nag usap para sating dalawa

Oo! nakikita nga kita, nayayakap , tayo nga ang magkasama.                                         

Pero lumilipad naman yang isip mo, lagi mo namang sinasambit ang pangalan niya


Minsan gusto ko isumbat sayo, kung ganito nalang ba ang maging papel ko sa buhay mo?                                                                 

Pero wala naman pala akong karapatang gawin yan, dahil para sayo magkaibigan lang tayo

Ang hirap pala maging kaibigan lang sa taong gusto mo nang mahalin                         

pero titiisin ko ang lahat hanggang sa huli, basta’t wag ka lang mawala sa aking paningin❀

Advertisements

6 thoughts on ““Ang hirap maging kaibigan lang, pero”

  1. “Ikaw kasi isinugal mo na naman yang puso mo
    Para sa taong di man lang kayang pahalagahan ang isang tulad mo ”

    Agaaaay. Haha. For some reason this poem reminds me of Rico Blanco’s Antukin idol. Hehe. Another nice one!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha what if ikaw yan at ako idol?dinagdagan ko lang amg eksena hahaha 😊😊😊

      Diko napanoud ang kay Rico blanko idol 😊😊
      Pasa naman ng link ..salamat 😊😊😊

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s