“Nang dahil sa CAMERA kami ay nakapagbigay saya”

Isa, dalawa, tatlo poposing na tayo

Apat, lima,  anim naka timer pala ito 


Pagising sa umaga, ihanda ang camera

Kukuha ng selfie kahit pikit pa ang mata”
Isa lamang yan sa halimbawa sa mga bagay na nagiging parte na ng ating pang araw araw na buhay.

Selfie dito, capture doon kahit san ka man naroroon.

Yung lolo at lola ko nalang ata ang hindi gumagawa nyan ngayon.

at dahil dito sisimulan ko ang aking napakaikli ngunit para sakin ay napakahalagang kwento
” Sa mga nakaraang buwan at hanggang ngayon nakilala ako dito sa Cebu bilang isang lakwatserong mountaineer na may pusong basag at nagtatago sa pangalang “IDOLWANDERER”.

Hanggang sa isang araw nakilala ko sa akyatan ang isa sa pinakakilalang tao na binansagang “PREDU WOLF” at doon ko nalamang myembro pala sya sa isang grupo na may layuning makapagbigay inspiration sa isang katulad ko o kahit sino na may talento sa pagkuha ng mga magagandang anggulo pagdating sa PHOTOGRAPHY.

Ito ay ang grupong CEBU MOBILE SHUTTERBUG(CMS)

(credit photo cms admin)

Na pina mumunuan nina idol Predu, sir Ong, sir Jabam, sir Philip, at kasama rin dito ang napakaganda kong idol at sikat na blogger dito sa Cebu na si idol Gly Gly or ngayo’y sa aking heart sya’y nag FLY FLY… Ahww hahaha (a.k.a CHASING POTATO).

Buwan ng setyembre naging myembro ako sa grupong to and kahit papano’y nakaambag rin naman ako ng mga magagandang litrato at minsan narin ma feature hahaha 

Ang saya kaya ng feelings ng ma feature yung daig pa ata yung feelings na kinilig ka sa crush mo at nakatabi mo sya sa picture😊

Isa kasi to sa mga hilig ko ang kumuha ng mga angle kahit sa babaeng napupusuan ko ay wala akong label.

Madalas na akong napasama sa isang outreach program dito sa Cebu dahil ang grupo ko rin sa akyatan ( Teambang ) ay dalawang beses narin naming ginagawa to sa paaralan sa South at sa North.
Minsan rin ako sumali sa pamumulot ng basura sa kabundukan kahit sakin ay walang pumulot, basura rin naman ako sa nakaraan.
Kahapon araw ng linggo sa ika labing pito ng disyembre sa barangay Sto.Niño ay matagumpay naming naisakatuparan ang isang outreach program ng CMS na may layuning kabataan sa lansangan ay bigyan ng kasiyahan.

Para narin maiparamdam namin sa mga kabataang ito ang tunay na diwa ng pasko sa kabila ng kanilang katayuan sa buhay.

(credit photo cms admin)

Nagsama sama ang mga mga admins, myembro at hayaan nyo nang banggitin ko ang mga sikat na blogger dito sa Cebu na sumama rin sa outreach program na ito.

Sina idol asanasadsijames, laagsparkle, foureyedlaagan, at idol chasing potatoes.

Haha ang saya ko kahapon kasi sa wakas na meet kona si idol chasing potato at nagkaroon pa ako ng chance na palitan yung profile ko with us together kahit kaming dalaway parehong dipa nakita ang aming forever.

(hahaha tsog tsog tsog yan ang nafefeel ko nung katabi ko ang idol ko 😅)-chasing potato

Pagkatapos ng outreach program ay dumiretso kami sa isang sikat na kainan at doon namin pinagpatuloy ang parte ng aming event sa araw na iyon ang “exchange print” since more on mobile photography kami kaya pinasubmit kami ng pinakagusto namin na larawan at ipapa print yun para ipalit yun with co members at magsisilbing remembrance.

Pinalagyan ng mensahe sa likod ang litrato at pina explain kami isa isa kung bakit yun ang napili namin.

Kaya nagkaroon ako ng chance na e insert yung ginawa kong tula para sa larawan na yun. 
                              

                               “BUWAN”

Ikaw ang liwanag ko pagsapit ng dilim 

Ganda mo’y ngniningning kasabay ng mga bituin 

Mundo koy naging malinawag, Saya ko’y di maipaliwanag. 

Dahil ginabayan mo ako sa iyong maningning na sinag.

Paglalakad ko’y naging maaliwalas, habang ako’y naghihintay ng bukas

Dala ang takot ko dahil alam kong kasabay ng gabi ika’y kusa nalang lilipas

Ngunit pangakoy hihintayin kita sa iyong pagbabalik

Maghihintay akong puno ng pananabik.

(litrato na napili ko para sa exchange print)

(litratong natanggap ko galing kay idol Reniel)

At pagkatapos nun namimigay sir philip ng ilang kopya ng isa sa pinakamaganda nyang kuha at maswerteng napili ang pangalan ko kahit sa pag ibig ay malas ako.

(from sir philip)

Natapos ang araw namin na puno ng saya dahil alam naming sa isang pagkakataon kami ay nagsama sama para kabataay bigyan ng saya.

(credit photo from sir ong)

Advertisements

12 thoughts on ““Nang dahil sa CAMERA kami ay nakapagbigay saya”

  1. Chaaaaaar. HAHAHA! Salamat kaau sa pagjoin ani na outreach idol. Makalipay imong support sa group.
    Finally nakakita na jud ko nimoooo. HAHA Salamat kaayo na naa ko sa imohang profile picture. I am so honored, cheret!!! hahahaha Thank you. It was really great seeing you. ♥ 🙂

    Liked by 3 people

    1. Yay🙈 as in tinuod ni? Hahaha a wonderful message from a beautiful lady idol?
      Bitaw mas doble or triply akong kalipay na nakita ka idol.
      Sukad niabot ko diri sa Cebu ikaw isa ka sa akong pangarap makita and finally gahapon natupad ang isa sa akong mga pangandoy..
      Happy ug di nako ma explain ang akong emotion nakita ka walang kayo nako gipahalata kay sulugon nya ko nila hahaha

      Unta napay nextime and basta nalingaw ko sobra sa imuha..

      Mka goodvibes kaayo kag aura 😊😊❤❤❤❤

      Thankyou ninyo ❤❤

      Like

      1. Hahaha hindi naman nation wide famous kasi yan ea hahahah

        What i mean kala ko taga Cebu karin kaso idol rin kita ahahha.
        Kaya idagdag nlng rin sana kita sa gusto kong makita

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s