“Pasensya na dahil mahal na pala kita”

Simula nung una minahal na kita, simula nung una minahal na kita

Hindi mo lang naramdaman kasi nagbubulag bagan ka 

Sa bawat pag akbay ko sayo kasabay nun ang mga bulong ko sa puso ko

Na sa sana ikaw na,  ikaw na kahuli hulihang babaeng mamahalin ko 
Oo mahal na kita! Hindi ko lang magawang aminin kasi nakapagbitaw na ako ng mga salita sayo

Sinabi kona, na kailanman may wala nang babaeng pweding bibihag ulit ng puso ko
Pero mali ka, dahil namuhay ako sa kasinungalingan ngayon 

Lagi kong sinasabing hanggang kaibigan lang tayo pero ang totoo gusto ko maging akin ka pagdating ng panahon

Napansin mo bang lahat ng hugot ko ay may patama? 

Sa napakaraming linyang binitiwan ko ni isa ay wala ba talagang dumirekta sa puso mo?siguro ay wala, kasi akala moy biro lang ang lahat at dimo nahalata.
Ilang article paba ang isulat ko at ilang linya paba ang huhugotin ko 

Para lang ipamukha at iparinig sayong mahal kita, mahal kita at kailangan kita sa buhay ko
Pasensya na, pasensya na kung huli ko nang naramdamang mahal na pala kita 

Pasensya na kung nung una sinabi ko sayong kaibigan lang tayo at nakapagbitaw na ako ng mga linya
Diko alam kung hanggang kailan at pano matatapos ang ating kwento 

May siya ba o ikaw o may ikaw ba at ako, may masasayang tayo ba ang  dulo at sa huling yugto
Oo wala! Wala akong kasiguraduhan sa maging katapusan ng ating storya 

Sa ngayon may isang bagay na sigurado ako, yung mahal na talaga kita at pasensya na dahil kailangan kita

Advertisements

2 thoughts on ““Pasensya na dahil mahal na pala kita”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s