“Sa kalagitnaan ng masakit na kahapon at bukas na pweding magdala sa atin ng kaligayahan pagdating ng panahon. -HATINGGABI”

Heto na naman ako, Heto na naman tayo

Naglalakad sa kadiliman ng mapaglarong mundo
Pinag uusapan ang mga bagay na galing pa sa ating masakit na nakaraan

At sabay umasa na sana ang bukas ay pweding magdala satin ng kaligayahan 
Nakahiga sa damuhan at mga mata’y nakatingala sa mga bituin

Pinipilit kinalimutan ang kirot at sakit ng ating mga damdamin
Ang sarap sa pakiramdam na alam kong ako’y may isang kaibigan 

Kaibigang handang umiyak, handang tumawa para lang ako’y damayan
Dumating tayo sa puntong lumalim na ang laman ng ating kwentuhan 

Hanggang biglang nanahimik at mga mata nalang ang nagkakatitigan
Kung nung una ay lungkot ang makikita ko sa yung mukha dala ng pighati 

Ngayo’y unti unti nang nagbago at pinalitan ng matatamis mong ngiti 
Diko alam kong ano ang aking naramdaman 

Sa mga oras nayun ay para akong isang robot na laruan

https://mariawenttotown15.wordpress.com/ (I’m with maria)

Di makakilos na tila ba akoy ginapos ng iyong mga titig

At ikinulong sa tinatawag nilang mundo ng pag ibig
Nasa kalagitnaan tayo pareho ng ating imahinasyon 

Sinabayan ang naramdamang di maipaliwanag na dala ng ating emosyon
Hanggang sa sabay tayong kumilos na tila ba galing sa pagkakatulog ay sabay naalimpungatan

Tiningnan ang oras alas dose na pala ng hating gabi, panahon na para tayoy umuwi at isa’t isa’y pansamantang iwanan
Hatinggabi na syang namagitan sa ating kahapon at magdadala sa atin sa panibagong bukas

Masaya akong nakasama ka sa mga oras na’to at hiling kong ang kwento natin ay dina magwakas.

Advertisements

11 thoughts on ““Sa kalagitnaan ng masakit na kahapon at bukas na pweding magdala sa atin ng kaligayahan pagdating ng panahon. -HATINGGABI”

  1. Sa pighati tayo’y magkaramay
    Hinarap magkahawak kamay.
    Ngunit tila ba may sablay
    Sa kwntuhang tila panghabambuhay.

    Magkaibigang naturingan
    Saan nga ba ang hangganan
    Ang mag antay sa kawalan
    O umasa ng tuluyan?

    Halina’t tayo’y mamasyal
    Baka sakaling ika’y magmahal
    Sa isang kagaya kong marangal
    Kaibigan mong banal.

    P.S. wala lang naaliw lang sa kwento ng pagkakaibigan nyu..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s