“kahit sino ay pweding maging superhero, kahit sino ay pweding maging si Santa”

(credit photo idol predu wolf)

Subukan natin balikan yung mga araw na tayo ay bata pa. Yung hindi pa tayo marunong umibig at dipa marunong umasa. Di ba ang sarap sa pakiramdam nung makatanggap tayo ng laruan at di pa tayo ang pinaglalaruan.

Lalo na kapag palapit na ang pasko at naghihintay kang dumating si Santa at di yung tulad ngayon na naghihintay ka sa taong paasa.

Diba ang sarap maging bata, yung makatanggap kalang ng aginaldo galing sa ninong at ninong mo ay lubus lubos na ang iyong tuwa. Di tulad ngayong ikay malaki na di kana makuntento sa regalo kundi gusto mo excanged gift pa , magpalitan kayo ng puso sa taong mahal mo.

Kaya’t sa ika tatlo ng disyembre araw ng linggo ay napagpasyan naming mag bigay regalo sa mga kabataan at minsay tuparin ang kanilang kahilingan. Nag kaisa ang mga taong sawi, mga taong ayaw ng mahulog pero laging umaakyat, mga taong ayaw na magmahal pero pag tanungin mo sila kung ano ang dahilan ng iyong pag akyat laging sinasagot BECUZ “I LA VIEW”

“GRANT A WISH FOR CHRISTMAS or second hike for a cause” ang aming tema na binuo ng aking KA TEAM BANG sa buhay, ka teambang sa kaligayahan, ka team bang sa mga problema at ka team bang sa akyatan ang aking pinakamamahal na TEAM BANG na pinamumunuan ng aking gwapong idol na si ” http://www.bisayatraveler.com 

(credit photo : idol jovy ann the puppies queen)

Kinumpleto ang grupo ng mahigit 50 ka tao kasama na jan ang Sugbu trekkers group, path finder, ang isa sa pinaka kilalang DAKILANG LAAGAN, ace and demi bloggers, at mga special na tao na tulad ko ay mahilig rin umakyat sa kabundukan.

(

(https://arkitrekjacoph.wordpress.com/)

(credit: idol joseph jaco)

(https://dakilanglaagan.wordpress.com)

https://wanderwithaceanddemi.wordpress.com/ ( credit photos idol demi captured by ma’am loi)

Sinimulan ko ang programa ng isang maimtim na dasal yung tipong nilabas ko yung mala pari kong aura at sinundan naman ito ng mga palaro, bigayan ng pagkain, at ang huli ay ang pinakak
hihintay ng mga kabataan ang pag bibigay ng regalo.Mabilis naming tinapos ang programa dahil may naka schedule pang mesa sa gym na aming hiniram sandali.

Pagkatapos nun nagsimula na ang aming akyatan, nagsimulang makipagkwentuhan, inikot-ikot ang aking mga mata “WOW, ANG DAMING CHICKS NA MAGAGANDA ” HAHAHAHA ano kaya ang papel ko sa akyat nato?  Ayaw ko namang pumwesto sa unahan, ayaw ko rin sa gitna at yaw ko maging sweeper hahaha

Ahhh bahala na basta’t kausapin ko lahat ng pweding kausapin, seryoso man o idaan sa hugotan,  basta ang importante mapasaya ko sila kahit sa akin ay walang nagpapasaya 😒

Isang hakbang, isang hugot,  hugot sabay hawak kamay hahaha Wala akong magawa diko naman pwedi pabayaan yung magagandang hikers na nahihirapan hahaha 

Naging masaya ang aming paglalakbay at una naming binaybay ang daan papuntang bungtod panangban at ewan ko ilang hugot ang nabitiwan ko,  ilang kamay ang nahawakan ko hahaha basta ang alam ko ay matulungin lang talaga ako πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

Nakarating kami sa bungtod panangban at tsaka pa namin nalamang may naiwan sa aming kasaman. Nawawala si “PATH FINDER “at ang gf niya at si no social media account girl πŸ™ˆ


http://pathfinderph.org/(credit photo by idol jan)

Medyo nag ala ala  halos lahat kaya kahit dipa sinabi ni idol Aldrich kusa akong bumalik mag isa. Tinakbo ang daan pabalik na tila ba may hinahabol o tila ba may tinatakasan basta ang alam ko di ako napagud dala ang pag alalang pano kong kinidnap na sila? Pano kong tulad koy ikulong rin sila sa isang nakaraang magbigay kalungkutan sa kanila habangbuhay ahhaha

Seryoso kinabahan ako habang tumatakbo dahil alam ko ang feelings na iniwanan sa gitna ng kawalan πŸ˜…πŸ˜…

Pero sa kabila ng lahat buo ang loob ko na sinabi sa sarili na okey lang sila dahil si ” PATH FINDER” ang nawawala at magaling humanap ng daan yun dahil sa path finder nga ea hahahaha

Diko na patatagalin to dahi ayaw kong maalala kung san san ako pumunta para mahanap lang sila.

Ayaw kong maalala yung pakiramdam na aking naramdaman habang hinahanap ko sila.

Okey lang naman ang akoy napagud, ang diko lang kinaya ay nanumbalik sakin yung mga ala ala na minsan iniwanan ko ang isang tao para dumayo sa ibang lugar at pinangakoan na babalik ako ngunit sa pagbalik ko ay wala na siya😒.

Kaya’t diko kinaya at napagpasyahan kong bumalik nalang kung saan ko iniwan ang aking grupo dahil ayaw ko nang habulin pa yung mga taong pilit na lumalayo.

Ako ay matamlay na nakarating at sa di kalayoan may sumigaw ng ” IDOL NAG TEXT SILA NA NAUNA NA DAW SILA SA HOLY CROSS”

Hahahahaha buti nalang path finder talaga(yan ang nabulong ko saking sarili)

Agad akong kumain dahil ay gutom at pagud,  gutom sa pagmamahal at pagud sa kahahabol.

 (credit photo: idol lieve)
Pero pano ba ako makakain na sa akin lahat nakaktutok ang kanilang mga mata hahahah

Feel ko tuloy ako ang haggard version ni piolo pascual dahil napapalibutan ako ng Camera.

Kaya kahit akoy gutom pa hahaha sinabi ko nalang na na busog na ako hahaha

Kaya yun tuloy ang lakaran.

(credit photo idol predu wolf)

(credit idol jovy ann)

(credit idol lieve)

Masaya silang narating ang holy cross. Samantalang ako ay nasa neutral yung Feelings 😊

Yung ang saya saya ko dahil alam kong nakatulong na naman kami,  alam kong nadagdagan na naman yung magaganda kong ala ala na kasama yung mga taong minsan sa akin ay nagbigay kasiyahan.
Ngunit sa kabila ng aking ipanapakitang kasiyahan ay may itinatago akong kalungkutan.

Malungkot ako dahil nangako ako sa sarili ko na ito na ang magiging huling pag akyat ko.

Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang sumabay sa kwentuhan at sinulit yung pagkakataon habang silay kasama ko pa.

(idol dakilang laagan)

(credit idol jaco)

Masaya akong natapos ko ang taong 2017 na puno ng akyatan,  minsay dumating sa puntong ako ay mahulog sa kasamahan at ang hinding hindi ko makakalimutan dahil minsan kami ay nakatulong sa iba lalo na sa ating mga kabataan.

(https://mariawenttotown15.wordpress.com )

Naway mag sisilbing inspiration ang Adventure ko,  ang adventure namin ng pinakamamahal kong grupong Teambang hindi lang sa mga kabataan. Kundi maging sa mga taong tulad ko ay mahilig rin umakyat sa kabundukan.

Hanggang sa muli, diko alam kong akoy aakyat pa, basta’t sapat ng alam kong akoy may magandang ala ala na habang buhay ay dadalhin ko kahit akoy matanda na.

-BASTA’T LAGING TANDAAN,  KAHIT SINO AY PWEDI MAGING SUPER HERO, KAHIT SINO AY PWEDI MAGIGING SI SANTA.

Advertisements

6 thoughts on ““kahit sino ay pweding maging superhero, kahit sino ay pweding maging si Santa”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s