“CLEAN UP CLIMB PARA SA MGA BASURA SA KABUNDUKAN AT MGA TAONG IBINASURA SA KANILANG NAKARAAN”

Tapon dito, tapon doon, mga basura nagkalat na ngayon

Kalat dito, kalat doon, kahit saan kapa lumingon

kaya’t gising na kaibigan at sa matinding pagkakatulog tayo ay bumangon

Bumangon para tulungan ang kapaligiran at basuray bigyan ng solusyon


Sa ika Dalawampu’t anim ng nobyembre sa isang event ako ay sumama

CLEAN UP CLIMB ang layunin ng pag akyat para sa kabunduka’y pulutin ang mga basura

Ito ay napagkaisahan ng bagong itinayo na grupo na kung tawagin ay BETA

Na pinamumunoan ng magaganda’t gwapo kong amego na sina ma’am flor, mekai, idol joseph, maam Lharalyn Flores at iba pa


Sinimulan namin ang akyatan sa isang pagpapakilala 

Na pinamumuon ng ng spoke person ng grupo na si ma’am flora 

Sinundan ko ng mataimtim na dasal at para sa do and don’t si idol jerome naman ang nagsalita

At di ako nakapag shield dahil may warm up sayaw pa pala na pinangungunahan ng princesa sa grupo na si ma’am lara

 Una naming binaybay ang daan patungong heart shape river 

Nakipag kwentuhan sa mga bagong kakilala at minsan nagpalitan kami ni mekai ng hugot together 

Masaya kaming naglakad at namulot ng basura kahit kaming dalawa ay parehong itinakwil at mga loner 

Di bali na, makikita rin naman siguro kami ng taong magmamahal samin diman ngayon ngunit sooner

Narating namin ang heart shape river at doon sandaling nagpahinga
Dahil nakakapagod rin pala humabol sa mga taong samin ay nang iwan at di marunong magpahalaga 

Pagkatapos ng picturan at ilang minuto pagpahinga ay sunod naming tinungo ang Kabang falls na sa social media ay kilala

Makalipas ang ilang minutong pagtalon, pagpaduosdos sa malalaki’t malilit na bato ay narating naman ang kabang falls at nasilayan ang kanyang ganda

 Doon na nananghalian at ang iba’y nagsilanguyan at merun ding na busy sa picturan 

Pagkatapos nang lampas oras na pagpahinga kami ay umalis na at Kabang falls ay aming nilisan 

At sa mataas at delikadong daan paakyat doon halos lahat ay nahirapan 

Kayat walang pag alinlangan ako ay tumulong at ang iba pang kalalakihan upang mahirap na daan ay aming malapampasan

 Pagkatapos ng river trekking kami ay patuloy na naglalakad at binabaybay ang daan ng Budlaan

Bitbit ang mga basurang dala ay masaya kaming nag kwentuhan 
Nagkwentuhan sa aming mga nakakabasag pusong mga nakaraan 

Habang tinatahak ang daan sa Sirao peak ang huli naming patutunguhan 

Pagkatapos kong naubos ang dalawang litrong tubig

Naikwento ang aking masasakit na nakaraan ng dala ng pag ibig 

Napagmasdan ang ganda ng kapaligiran at damhin ang simoy ng hanging malamig

Sa wakas narating namin ang sirao peak kasama ang mga taong bago kong nakilala na sa pag akyat rin sa kabundukan ang hilig

 Masaya kaming nagkwentuhan sa aming mga karanasan 

Umuwi kaming pagud ngunit dala ang ala alang di namin malilimutan

Dahil alam naming sa isa pagkakataon kami ay nagkakilala at sabay inakyat ang kabundukan 

Para sa isang adhikaing “CLEAN UP CLIMB PARA SA ATING MAHAL NA KALIKASAN”

(credit photo ma’am lovely irish daniel)

Advertisements

4 thoughts on ““CLEAN UP CLIMB PARA SA MGA BASURA SA KABUNDUKAN AT MGA TAONG IBINASURA SA KANILANG NAKARAAN”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s