“Bakit kailangan laging may mang iiwan at may iiwanan?”

(a poetry writer, a traveller, COLLAB each other to make a story more better and hoping that someday we have a COOL LOVE together)                 

poetic duet with this beautiful poetry/travel blogger friend of mine, a love searcher girl, a very simple who really love an instagramic view and her favorite line was “I LOVE YOU” and the one and only TEAMBANG maria.

​Idol wanderer:

Sa ngalan ng pag ibig may dalawa kang pag pipilian. Ang mang iwan o ang iwanan.

 Ngunit sino ba talaga ang laging nang iiwan? Kaming mga lalaki o kayong mga kababaihan?


Maria:

Sino nga ba ang nang iwan at sino ang iniwan? Sa larong ito, sino ba ang may kasalanan? 

Ako ba na walang ginawa kundi ibigay ang lahat. O ikaw na ang tingin sa akin ay hindi pa sapat?


Idol wanderer:

Ha! laro? Anong laro? Para sayo laro lang pala ang akala koy totoo? 

Ang sakit isipin at kay hirap tanggapin. Ngayoy alam ko na, na para sayo ako’y laruan lang at di pala dapat mahalin


Maria:

May totoo nga ba sa lahat ng iyong ipinakita. Kung napakadali mong nagbitiw at naglahong parang bula.

 Ang lahat ng pangako mo ay pinanghawakan ko. Ngunit sa isang saglit, lahat pala ay mapapako.


Idolwanderer:

So para sayo ngayon ako na ang may sala?Sino ba ang sunod sunoran ni halos nga ibigay ko na sayo ang mga tala.

Naging sunod sunoran lang naman ako na tela ba akoy isang hamak na alila. Pero di ako bumitiw kahit sabihin mong umalis na ako sa buhay mo at gusto nang tuluyang mawala.


Maria:

Ni minsan ay di ko hiniling ang buwan o mga tala. Dahil sapat na ang kinang ng iyong mga mata.

Ngunit ang dating liwanag ay napalitan ng dilim. Nang mas pinili mong ako ay paluhain.


Idolwanderer:

Ang saktan ka ay diko sinasadya. Ni ayaw nga kitang makitang lumuluha.

Sadyang may mali lang talaga sa ating dalawa, at di matatapos ang away nato kung di magpatalo yung isa.


Maria:

Maari ngang may mga bagay na kailangang magtapos. Magpalaya sa isa’t-isa at hindi magpagapos.

Dahil kung iisipin ay parehong talunan. Ang taong nang iwan at ang iniwan. 


Idolwanderer:

Bakit ba kailangan pang tapusin ang mga bagay na pwedi pang ayusin? Ayaw kong mang iwan at ayaw kong iwanan ang gusto ko lang ay panghabang buhay mong mahalin.

Kaya kung may nagawa man akong mali at may nasabi man akong masama. Sorry na! Para sa pagmamahalan nating dalawa hayaan mong ako ang magpatalo at habang buhay ko itong itama.


(for more poetic journey check the link https://mariawenttotown15.wordpress.com and enjoy the life’s journey together with this beautiful lady.)

Advertisements

11 thoughts on ““Bakit kailangan laging may mang iiwan at may iiwanan?”

      1. Bakit? Marami namang forms ang salitamg “pag-iwan” aa.

        At tyaka, ano kaba ! Kapag naramdaman ng mambabasa ang thought ng msg mo ibig sabihin mabagdamdamin ang artikulo mo. 😊

        Cool, may mga kasama kang nag cocollab? Astig. Brainstorming.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s