“Sa salitang “SANA” nalang ako umaasa”


Hindi naman sa tanga ako pero gusto ko lang talaga maniwala. Maniwala minsan sa mga salitang alam ko namang hindi kapani-paniwala.

Minsan na ako sinaktan,  minsan na akong ginago. Sa mga matatamis na linya akoy pinabilib ng todo.

Bakit hanggang ngayon akoy patuloy na umaasa? Bakit hanggang ngayon lagi paring sinasabi ang salitang sana?
Sana kami nalang, sana walang sila! Sana pwedi kong turuan ang puso para ako nalang ang ibigin niya.

Minsan akalay koy manhid na ako. Yung tipong hindi nasasaktan sa mga nakikita at naririnig ko.
Pero bakit ganun? Bakit ganun? Ang sakit magbiro ng panahon. 
Dahil sa bawat pangungumusta ko sayo. Ang lagi mong isinasagot saking ang saya saya nyo.

Bakit ba lagi syang kasali sa usapan? Bakit hindi ba pweding sa ating dalawa nalang ang laman ng ating kwentuhan?

Sana kahit minsan maramdaman ko ring kailangan mo rin ako. Sana kahit isang araw man lang ay ipakita mo ring masaya ka sa piling ko.

Sana kung hindi man talaga tayo ay dumating yung taong magpapatunay saking ang salitang “SANA” ay totoo. 

Dahil sa ngayon wala na akong ibang pinaniniwalaan kundi ang “SANA” na minsan ko naring kinalimutan dahil sa mga taong paasa.

Advertisements

35 thoughts on ““Sa salitang “SANA” nalang ako umaasa”

  1. Yaaaaa, yun na yun? Tapos na? Wala na? Bakit ang bilis? Haha, #HugotCommentDaw

    Kuya, magpost ka na ulit, para may mabasa na ako ulit, para kiligin na ako ulit, para may mapulot na akong mga hugot na hindi pilit. 😍😍😍 Haha.

    Ayun lang. Pramis po, maghihintay akoooooo…………………………………. sa next post mo po. Haha. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    Liked by 1 person

  2. Sana ay mag-let go ka na.
    Sana ay mag-move on ka.
    Sana ay makita mo na ng kasiyahan mo ay wala sa kanya.
    Sana ay kalimutan mo na ang salitang sana.
    Dahil ang sana ay di na babalik pa.
    Dahil ang sana ay mananatili na lamang na isang sana.
    May magandang bukas na naghihintay.
    Sa taong hindi umaasa sa isang sana.

    Liked by 2 people

    1. Tama na ang kaka”sana”
      Sa pandinig ko’y nakakasawa na
      Munting ginuo, ika’y umalma na
      Sa sana mong hinubadan ng pag-asa.

      Tara sa mundong masaya
      Walang pangamba, walang puro sana
      Sa awitang hindi kana mag aalinlangan
      Sa totoohanang galak na walang iwanan kailanman.

      Ang sakit sa fringe. Lol.

      Liked by 1 person

    1. Wahahhaha hala ui maikog jud ko aning mo comment ang isa sa akong pinaka idol na blagger ui ahhaha πŸ˜…πŸ˜…

      Photowalk nata idol be kay may nalng permi teka makuhaan ug stolen shot hahaha

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s