Diko alam ang aking naramdaman nung nalaman kong ika’y lilisan
Bigla nalang tumulo ang aking mga luha ng diko nalalaman
Dahil alam kong bukas at pagdating ng araw ay kumunikasyon nalang ang magiging tulay ng ating pagkakaibigan
Nagsimula ang ating pagkakaibigan sa isang akyatan
Akyatang pinuno mo ng tawa at halakhakan
Sa ilang buwang nagsama at inakyat ang ibat ibang kabundukan
Ay nakabuo tayo ng mga magagandang ala alang magpakailan man ay diko malilimutan
Sa ika 19 ng nobyembre ay isang lakaran na naman ang napagpasyahan
Ilakad namin yung mga paa namin at ikaw yung alayan
Osmeña peak, Lugsangan peak, traverse to Kawasan
Ang magagandang spot ang napili ng grupo para ating puntahan
2am ang meet up time ng grupo sa South bus pero alas onse palang andun na ako
Sunod itong sinundan ni Gelique Ferrer ang taga pag alaga ng bandera ng grupo
Kasama nya si Lieve Polentinos ang pinakamalapit kong kaibigang ang galing galing kumuha ng mga anggulo
Nasundan ito ni kevin ang pinaka heartthrob na halos kilala ng mga babaeng hiker dito sa Cebu
Diko na papatagalin ang usapang to
Dumating na halos lahat sina jovy, shiela, paul, ate sherlyn at idol Aldrich ang gwapong leader ng grupo
Hanggang dumating ang mag lovers na shenyl at ang nag iisang Christine na inialayan namin sa lakad nato
Ngunit ang nakapagpakuha ng atensyon ko ay si ma’am demi na nagdala ng bagong kaibigang isang lalaki at tatlong magagandang chicks na nagsisilbing inspiration ko sa tagpong ito
OSMEÑA PEAK
Hindi naging madali ang aming karanasan
Pinalibutan ng ambon, binagsakan ng ulan yan ang aming mga pinagdaanan
Hanggang sa narating namin ang maganda at mataas na tuktok ng Osmena yun nga lang di namin nakikita ang kapaligiran
Pati pagkuha ng picture kami ay nahihirapan dahil sa lakas ng patak ng ulan
(idol http://bisayatraveler.com/)
LUGSANGAN PEAK
Casino peak o ngayo’y tinawag na Lugsangan peak ang sunod naming pinuntahan
Sabay nilakbay ang maambon na daan at tiniis ang ginaw na dala ng hangin at patak ng ulan
Kasabay ng mga hakbang namin ay ang pagdarasal na sana maka clearing kami pag akyat sa Lugsangan
Pagkatapos ng medyo malayong lakaran narating namin ang tuktok ng puro ambon parin ang aming nasisilayan
(idol demi of https://wanderwithaceanddemi.wordpress.com)
Pagkatapos sinulit ang ganda ng tultok ay agad kami bumaba at sunod naming tinahak ang trail ng sunod naming patutinguhan
Medyo halos lahat kami ay lahat kami ay nahihirapan dahil sa basa at dulas ng ulan
Lagapak dito, bagsak doon hahahaha ngunit pilit na bumabangon kasabay ang malakas na halakhakan
Pagkatapos ng ilang oras na lakaran, ilang slide na narasanan, ilang storyang pinag usapan ay sa wakas narating namin ang napakagandang falls ng kawasan
Umuwi kami lahat na dala ang napakagandang ala ala na nabuo sa pag akyat sa kabundukan
Isang ala alang binuo ng isa sa pinakamamahal namin na kaibigan
Na ngayoy lilisan at ituloy ang kanyang paglalakbay doon sa ibang bayan 😊
(credit these 3photos of tin tin fro. IDOL LIEVE)
WE LOVE YOU ALWAYS TIN TIN
FROM TEAMBANG FAMILY
Details about this Adventure on how to get there and sample itinerary, go to http://www.bisayatraveler.com/2017/11/21/kawasan-falls/
Paytera IDOL! 🙌👊
LikeLiked by 1 person
Hahahah lahhhh hi idol dili nako ma view imong blog?? Hahaha thankyou kung kinsa man ka
LikeLiked by 1 person
Lahi ra jud ni siya oh!!
LikeLiked by 1 person
Hahahah hi idol mas lahi mo idol ui labi naka hehehe 😊😊😊❤❤❤
Na inspired rako sa inyuha
LikeLiked by 1 person
Grabehan. Ang galing galing niyo po talaga maglapat ng mga pandulong salita sa bawat linya ng tula. Saktong sakto, kainis. You’re soooo amazing po talaga.
LikeLiked by 1 person
Hahhahaha ❤❤❤
Ikaw ha nakaka rami kana 😅😅😅
Yung mata ko, yung puso ko, yung buong ako hahaha
Malapit nang _____❤❤❤
LikeLiked by 1 person
Wahhhh. Kinilig naman daw po ako sa mga puso niyo. Haha. Ang dami niyo pong puso. Buti ka pa po. 😂😂😂
Sigi po, pipilitin kong hindi magcomment kaso hindi ko po kaya yun eh. Lalo na pag maganda ung article. 😍😍😍 Saka sadyang pabibo lang talaga po si aku. 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Hahahah nag hanap ako ng LEFT PENCIL sa search engine ng fb ko ngunit lng lalabas mamaya maghahanap ako sa comment section ng blog mo baka may name mo nakalagay hahaha na iintriga talaga ako sayo hahahah
LikeLiked by 1 person
Napaisip ako kung anong nilalaman ng theme mo na “when travel and poetry intertwine”, tapos nung nasilip ko isa samga buwis buhay na pic na napili kong basahin — boom!
Ayon pala iyon! Na-amaze ako, swear.
Na amaze akk kasi hindi ko naisip na ang tema ng akyatan mo ay tulaan😂 cool.
LikeLiked by 1 person
Hahaha inisip ko kasi maam na ang daming travel blogger ni yung iba pabalik balik na yung mga details yung moments nlng ang naiba.. Kaya gusto ko lng laging maiba hahah
Salamat dahil may nakaappreciate pala sa pamamaraan ko hehe..
Anyway thanks sa pag basa and promise pag di ako busy maya bibisitahin ko mga article mo
LikeLiked by 1 person
Astig iyan. Kailangan mo nga lang ma maintain iyang mga talasalitaan mo. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Oo nga ea minsan ang hirap humugot ng mga linya na mag coincide sa mga nangyayari hahaha Pero it’s a challenge na rin para sa kin hahah
LikeLike
Tama ! Pigaan ng utak. Nakakagala ka na , pinipiga mo pa neurons mo.
LikeLike