“Liloan akoy nabighani sayong ganda”

Puso koy pagod na pagod ngunit nangangati ang aking mga tuhod. 

Busy sa mga nakaraang araw pero gusto kong ang aking adventure ay laging may kasunod

Kaya walang pag alinlangan sa isang event akoy sumama

Doon ko nakilala sina ann at connie, magkapatid na babae na mala erich version ang ganda

Samahan pa ni ate juvy na kung makarinig ng hugot ko ay wagas kung makatawa

Nagsimula ang aming paglalakbay sa SM Sungold nagtagpo

Ito ay pinamumunuan nang arkitekto kong kaibigan na kung tawagin mo ay arkitek “JACO”

At ngayong araw ng linggo sa “LILOAN” kami tutungo

(credit photo by ma’am pretty jiezel)

Isa, dalawa, tatlo, “WOW” ang daming gwapo’t/magagandang nilalang

Ang hiya ko pagharap ko sa kanila ay hindi ko mabilang

Hindi ko sila kilala isa isa kaya e tatag ko nalang 

Sumakay nang Jeep at katabi ko ay chicks tungo sa munisipyo ng Liloan

Sumakay ulit ng habal habal at sa likuran ko’y isa paring chicks tungo sa barangay Lataban

At doon nag simula ang aming kwento at aming lakaran

(credit photo ma’am pretty jeizel)

LATABAN HILLS ang ang aming unang pinanuntahan 

Na tinawag nilang ang mala ” CHOCOLATE BOHOL” version ng liloan

Dahil sa anyo nyang kahawig talaga kung iyong pagmasdan 

Sobrang saya namin nung narating namin ang bundok

Posing dito at posing doon, mga mata namin ay sa Camera nakatutok

Kwentuhan sa mga mala erich na model ko at puso koy bumilis ang pagtibok

Kan in-sid Falls ang sunod naming tinunguhan

Masaya ang aming paglalakad sinabayan ko ng mga hugot ko at masayang kwentuhan 

Kaya sa isang iglap dumating na pala kami ng diko nalalaman

(sus atika ko dong 😅😅😅 ma’am shana in her di masabtan but gwapa face wahaha)

Pag tingin ko ay di pala sya kalakihan

Pero diko maiwasang mahumaling sa kanyang kagandahan 

Kaya sinulit yung pag kakataon at doon na nananghalian

Kasunod naming tinungo ang manmade cave ng Liloan 

Di madali ang trail sa aming pagbabalik dahil itoy maahalintulad mo sa paglalakbay sa spartan

Dahil sa halos tubig ang aming dinaanan

Nakarating kami sa Barangay lataban 

Uminom ng soft drinks at paboritong sparkle at nagkwentuhan

Pagkatapos sumakay ng Multicab at ang iba ay sa motor tungo sa nakaka exciting na kweba ng Liloan

(credit photo ma’am pretty jaddess)

Wow! Yan ang tangi kong nasambit nang kami ay dumating

Dahil sa ibang ganda nyang nakakahumaling

Ang lamig pa nang hangin na maramdaman mo kasing lamig ng kanyang feelings

Naging masaya ang lahat 

Picture dito, picture doon at silay nagsikalat

Pinasok ang kweba na may malalaking butas na apat

(idol Ronnel perfect jumpshot)

Paparating ang ulan kayat kweba ay aming nilisan

Natatawa pa kami dahil may muntik pang maiwan

At ngayon Bagacay point light house na ang aming sunod na pinuntahan

Nakarating kami kasabay ng ulan 

Nilibot ang paligid at ganday pinagmasdan

Nag group picture sandali at agad lumisan 

Umuwi kaming masaya dala ang ala alang hindi namin malilimutan magpakailan paman 

Hindi ko man matandaan lahat ng kanilang pangalan 

Basta’t alam kong napakasaya ko dahil minsan sa aking buhay kayoy aking natagpuan

thankyou idol Joseph arkitrekjacoph.wordpress.com/ sa pag organize together with your Co SUGBU member idol Ronnel and ma’am connie at sa lahat ng nag join from team kalag, solo hiker at sa mga first timer…  

Lubos akong nagpapasalamat sa inyo 
Idolwanderer from teambang,  hanggang sa muli 😊❤

Source of information about this adventure http://www.bisayatraveler.com/2017/05/22/lataban-hills-liloan-cebu-chocolate-hills/

Advertisements

9 thoughts on ““Liloan akoy nabighani sayong ganda”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s